Naglalakad, pero hindi nakikita
Nagsasalita, pero hindi naririnig
Gaano kalakas ba dapat sumigaw
Para marinig ang aking tinig?

Araw-araw na lamang
Praktisado ang matamis na ngiti
Hindi na magkandaugaga
Upang kalungkuta’y mapanatiling nakakubli

Sa sahig ay nakaupo
Nanliit, hindi mapalagay
Sinasakal ng mga pader
Na ako din naman ang naglagay

Sabihin mo nga
Ako ba ang may kasalanan?
Ba’t di mapigilang parusahan ang sarili
Sa pagdurusang patuloy na nararamdaman?

Mga luha’y may sariling isip
Patak nang patak, walang permiso sa akin
Gabi-gabi na lang bang hihikbi?
Kayakap ang malamig na hangin?

Hindi maiwasang maitanong
Siyang buhay ba ba’y may kahulugan?
Pag-asa’y unti-unting nawawala
Wala na nga bang ibang paraan….?

–ย “Nasaan ang Kabuluhan?”

LL.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s